Bilang ng inmates sa bansa, tumaas ng mahigit limang daan porsyento – COA 2016 report

Manila, Philippines – Umakyat na ng limang daan porsyento ang bilang ng preso sa Pilipinas.

Batay ito sa report ng Commission on Audit kaugnay sa kondisyon ng mga kulungan sa bansa.

Ibinase nila ito sa walong daan (800) kapasidad lamang ng Quezon City jail pero halos tatlong libo (3,000) ang nakapiit dito.


Sa pamantayan kasi ng United Nations – dapat hanggang 262 lang ang nakakulong sa isang 3,000 square meter ng Quezon City Jail.

Pero – dahil sa pinaigting na kampanya kontra droga – umaabot na sa 126,946 o mahigit 500 percent ang mga preso sa mga kulungan mula sa mahigit 90,000 o tatlong daang porsyento nuong 2015

Sa kabila ito ng hindi nagbabago ang kapasidad ng mga kulungan.

Pero ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Director Serafin Barretto – patuloy ang paghanap nila ng paraan para mapaluwag kahit papaano ang mga kulungan.

Sa report pa ng COA – lumalabas na bukod sa kampanya kontra droga — ilan sa mga dahilan ng siksikan ay ang mabagal na usad ng kaso ng mga bilanggo.

Dahil dito – hiniling ng coa sa bjmp na bilisan ang paglutas sa overcrowded na bilangguan.

Nakasaad pa sa COA report na ang may pinakamalalang sitwasyon ng kulungan ay makikita sa Central Luzon kung saan ang 12,490 inmate ay naghahati sa espasyo na para lamang sa 1,178 na preso o aabot sa 961 congestion rate.

Facebook Comments