Tuloy-tuloy na ang pag-akyat ng bilang ng international travelers na tumutungo sa Pilipinas, kasunod ng pagluluwag ng restrisksyon ng bansa, at pagbubukas ng borders nito sa mga dayuhan.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat na nito lamang February 10 hanggang 28, umakyat na sa 47, 715 ang dumating sa bansa.
45% aniya dito ay balikbayan, habang 55% naman ang foreign tourists.
Pinakamarami sa mga ito ay nagmula pa rin sa Estados Unidos, sinundan ng Canada, United Kingdom, South Korea, at Australia.
Ani Puyat, patuloy ang ginagawa nilang pakikipag-ugnayan sa tourism stakeholders upang matiyak na patuloy ang implementasyon ng minimum health protocols, kasabay ng pagpapataas pa sa bilang ng mga nabakunahan at nabigyan ng booster shot na tourism workers.