Bilang ng kaso ng COVID-19, posibleng tumaas pa rin pagkatapos ng Holy Week

Posibleng tumaas pa rin ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa sa susunod na dalawang linggo.

Ito ay sa kabila ng pagpapatupad ng pamahalaan ng General Community Quarantine (GCQ) bubble sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna.

Gayunman, naniniwala si OCTA Research Team Fellow Dr. Guido David na makakatulong ang “GCQ bubble” para mapabagal ang pagkalat ng virus.


Aniya, malaking bagay na kung mapababa sa 1.4 o 1.5 ang COVID-19 reproduction number na kasalukuyang nasa 2.07.

“Yan ay parang pinaka-timeout din, sana talaga malaki ang epekto nito sa pagbaba ng reproduction number at pag-slow down ng pandemic. Napakalakas na momentum nito e, kaya nakikita pa rin natin na may konti pa rin, tataas pa rin ang kaso for the next two weeks,” saad ni David sa interview ng RMN Manila.

Samantala, sa pagtaya ng OCTA Research, posibleng pumalo sa 8.5 million ang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng katapusan ng Hunyo.

Pero paglilinaw ng health expert, ang nasabing projection ay mangyayari lamang kung walang ginawang aksyon ang gobyerno.

“Kung magpatuloy-tuloy lang na hindi natin pipigilan yung pagtaas, sinasabi lang na yan ang aabutan natin. Pero ano lang yan, kumbaga, hypothetical lang yan. Ngayon naman may ginagawa naman tayong hakbang para mapabagal… pandemic.”

Facebook Comments