Bilang ng kaso ng COVID-19 sa India, sumampa na sa 32 million

Sumampa na sa 32 million ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa India.

Ayon sa Federal Health Ministry, umakyat na sa 32,036,511 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa India habang nakapagtala ng 31,220,981 na bilang ng mga gumaling mula sa virus.

Sa ngayon, nakaabot na sa 86 na bansa ang COVID-19 Delta variant na unang nag-mutate sa India.


Nabatid ding mayroon pang apat na variant mula sa Delta na tinawag na Delta Plus.

Facebook Comments