Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati, nasa mahigit 9,300 na

Umakyat na sa 9,379 ang kabuuang bilang ng confirmed cases ng COVID-19 sa Lungsod ng Makati matapos madagdagan ito 41 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 8,738 dito ang gumaling mula sa naturang sakit at ang 359 naman ay mga nasawi.

Habang ang natitirang 282 ay mga active cases ng lungsod na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility.


Dahil mataas pa rin ang bilang ng active cases sa lungsod, may paalala naman si Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Kung mayroon naman nararamdamang mga sintomas ng COVID-19, mangyaring tumawag sa 168 o (02) 8942-68-43 upang mabigyan ng agarang tulong at maiwasan ang pagkalat ng virus.

Facebook Comments