Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Mandaluyong nasa mahigit 5,600 na

Sumampa na sa 5,630 ang kabuuang bilang ngayon ng COVD-19 sa Lungsod ng Mandaluyong, matapos madagdagan ito ng siyam sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 5,388 dito ay mga gumaling na sa naturang sakit.

Habang ang 165 ay bilang naman ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.


Ang natitirang 77 ay bilang naman ng active cases, kung saan patuloy silang nananatili sa mga quarantine facility ng lungsod.

Sa ngayon, ang Barangay Hulo ang may pinakamaraming active cases na nasa 15.

Facebook Comments