Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong nasa mahigit 5,900 na

Tumaas muli ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVD-19 sa lungsod ng Mandaluyong ngayong umaga.

Batay sa tala ng Health Department ng Lungsod, umabot na ng 5,919 na mga indibidwal ang tinamaan ng naturang sakit, matapos madagdagan ito ng 25 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 5,613 nito ay bilang naman ng mga gumaling na sa naturang sakit, matapos naman makapagtala 12 new recoveries.


Nananatili sa 175 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod ng dahil sa virus.

Nasa 131 ang bilang naman ng mga indibidwal na kabilang sa active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments