Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa, muling nadagdagan

Pumalo na sa 5,066 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Muntinlupa.

Batay sa tala ng City Health Office (CHO), walang naidagdag sa mga kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Tumaas din sa 4,853 ang kabuoang bilang ng mga gumaling na sa naturang sakit matapos naman makapagtala ng dalawang bagong recoveries.


Nadagdagan din kagabi ng anim ang active cases sa lungsod, kaya naman pumalo na ito sa 48.

Nananatili naman sa 165 ang mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Facebook Comments