Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, nadagdagan na naman ng 21

Sumampa na sa 11,446 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 21 sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Taguig City Epidemiology Diseases and Surveillance Unit (CEDSU) ngayong araw.

Mula sa nasabing bilang, 11,204 ang kabuuang bilang naman ng mga gumaling na sa sakit, matapos naman magkaroon 24 na new recoveries.


Nananatili naman sa 179 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Habang ang 63 naman ay bilang ngayon ng active cases sa lungsod na patuloy na minomonitor ng CEDSU.

Payo ng pamahalaang lungsod sa mga residente nito na manatili sa loob ng bahay habang naghihintay ng bakuna upang maging ligtas.

Facebook Comments