Umabot na sa 7,151 ang kabuuan bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig ngayong umaga, matapos itong madadagan ng 76 sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Units (CEDSU) ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Bagumbayan Bambang, Calzada, Hagonoy, Ibayo, Lower Bicutan, New Lower Bicutan, Napindan, San Miguel, Sta Ana, Tuktukan, Ususan, Wawa at Central Bicutan.
Kasama rin sa may mga bagong kaso ng COVID-19 ang Central Signal, Fort Bonifacio, North Signal, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Tanyag, Upper Bicutan at Western Bicutan.
May 98 din na karagdagang recoveries nitong huling 24 na oras, kaya naman nasa 6,702 ang kabuuang bilang nito ngayong umaga.
Nananatili naman sa 56 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod nang dahil sa virus habang ang bilang ng mga active cases sa ay umabot na sa 393.