Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, umabot na sa mahigit 10,700

Muling nakapagtala ng 24 na bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).

Kaya naman ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod ngayong umaga ay pumalo na sa 10,782


Mula sa nasabing bilang, 10, 594 dito ay bilang ng recoveries matapos magkaroon ng 46 bagong mga gumaling na sa naturang sakit.

Nananatili naman sa 169 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Habang ang 19 naman ay bilang ng active case sa lungsod na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.

Facebook Comments