Bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, umabot na sa mahigit 10,800

37

Muling nakapagtala ng 31 bilang ng bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Taguig.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng Taguig City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).


Sa kabuuan, umaabot na sa 10,842 ang bilang ng COVID-19 cases sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 10,625 dito ay bilang ng recoveries matapos magkaroon ng 16 na bagong gumaling sa naturang sakit.

Nananatili naman sa 171 ang bilang ng mga nasawi na dulot ng virus.

Nasa 43 naman ay bilang ng mga active case sa lungsod na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng lungsod.




Facebook Comments