Umabot na ng 905 ang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Lungsod ng Makati, ito ay batay sa tala ng Makati Health Department ngayong umaga.
Base sa record, ang mga bagong pasyenteng infected ng virus ay mula sa Barangay Kasilawan, Olympia, Palanan, at Pembo.
Sa 905 na confirmed cases ng COVID-19, 83 sa kanila ay nasawi habang 521 naman ang gumaling. Wala naman silang naitalang probable cases, pero mayroong 422 na bilang ng suspected cases.
Sa ngayon ay nasa 301 na lang ang mga active cases ng COVID-19 sa Makati City na patuloy na binibigyan ng lunas habang naka-isolate sa mga quarantine facility ng lungsod.
Muling ipinapaalala ni Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.