Nasa 1,085 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati.
Batay sa tala ng Makati Health Department, mayroon ng 22 mga bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ngayon.
Ang nasabing bilang ay galing sa Barangay Bel Air, Guadalupe Nuevo, Guadalupe Viejo at West Rembo na meron tig-dalawang bagong kaso, at Barangay Rizal na meron naman apat.
Habang meron naman tig-isang bagong kaso ang Barangay Olympia, Poblacion, Singkamas, Tejeros, Cembo, East Rembo, Pitogo, San Lorenzo, Singkamas, at PP Southside.
Sa kasalukuyan, meron ng 98 na mga nasawi at nasa 623 na ang recoveries sa lungsod.
Kaya naman muling ipinapaalala ni Makati Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na manatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas sa banta ng COVID-19.