Nakapagtala naman ang lungsod ng Mandaluyong City ng 40 bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa nakalipas ng 24 oras.
Kaya naman umakyat na sa 1,997 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa naturang lungsod kaninang umaga.
Isang pasyente rin na infected ng virus ang sumakabilang buhay kahapon kaya naman tumaas din ang kabuuang bilang ng nasawi sa lungsod ng dahil sa COVID-19 na umabot na ng 87.
Nadagdagan naman ng 94 ang bilang ng recoveries sa lungsod at umabot na ito sa 1,235 kaninang umaaga.
Dahil dito, ang active COVID-19 cases ngayon sa lungsod ay nasa 675, na patuloy pa rin binabantayan at inaaruga ng health department ng Mandaluyong City.
Mahigit 1,000 pa rin ang bilang ng suspected cases ng lungsod pero nasa 137 lang ang kabuuang bilang ng probable cases ng COVID-19 nito.