Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, muling nadagdagan ng 29

Muling nakapagtala ng 29 na mga bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod ng Mandaluyong kagabi.

Dahilan para umakyat sa 1,453 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa lungsod.

Mula sa nasabing bilang, 80 sa kanila ang nasawi habang nasa 838 naman ang bilang ng recoveries, matapos madagdagan ito kagabi ng tatlong bagong nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus.


Dahil dito, nasa 535 ang mga active case sa lungsod na kasalukuyang nagpapagling sa mga quarantine facilities ng lungsod.

Pero, ang bilang ng suspected cases sa lungsod ay nasa 1,030 at 261 naman ang bilang ng parable cases.

Facebook Comments