Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Mandaluyong City, umabot na ng 3,740

Muling tumaas ang kabuuang bilang ng kaso ng Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 ng lungsod ng Mandaluyong, kung saan umabot na ito sa 3,740.

Ito’y matapos makapagtala ang local health department ng lungsod ng 32 dalawang kumpirmadong kaso ng naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

May 34 na pasyente naman ng naturang sakit ang mga bagong gumaling kahapon, kaya naman nasa 2,601 na ang kasalukuyang bilang ng recoveries sa lungsod.


Nananatili naman naman sa 125 ang bilang ng mga masawi sa lungsod na dulot ng virus.

Mataas pa rin ang kabuuang bilang ng suspected cases sa lungsod, kung saan nasa 1,938 ito ngayon habang ang probable cases ay mayroon lang 90.

Facebook Comments