Kinumpirma ng pamahalaang lungsod ng Marikina na meron itong bagong naitalang kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Batay sa kanilang record, nasa 12 residente ang bagong infected ng virus sa lungsod na nagmula lang sa Barangay Sta. Elana.
Kaya naman umabot na ng 182 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa nasabing lungsod.
Mula sa nasabing bilang, 21 rito ay mga nasawi at 88 naman ang nakarekober mula sa sakit na dulot ng virus.
Nasa walo naman ang bilang ng probable cases at siyam ang suspected cases sa Marikina City.
Ayon kay Mayor Marcy Teodoro, ito ay resulta ng mass testing na ginawa sa mga barangay official, kagawad at staff na lahat ay frontliners.
Nakuha rin aniya ang bilang ng mga nagpositibo mula sa contact tracing na isinagawa.