Umakyat na sa higit-kumulang 4,000 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito’y matapos madagdagan ang lungsod ng 68 bagong kaso ng sakit kahapon.
Ang mga bagong kaso ay mula sa Barangay Ususan (17), Upper Bicutan (15), Wawa (8), Lower Bicutan (7) at New Lower Bicutan (6).
May apat na bagong kaso rin ng COVID-19 sa Barangay Western Bicutan, tatlo sa Ibayo-Tipas gayundin sa Pinagsama, dalawa sa Palingon-Tipas, tig-iisa sa Bagumbayan, Ligid-Tipas at Fort Bonifacio.
Mula sa nasabing bilang, 3,215 ang kasalukuyang bilang ng recoveries habang nananatili pa rin sa 40 ang death toll sa lungsod.
Nasa 740 ang active cases sa Taguig.
Facebook Comments