Sumampa na sa 7,983 ang kabuuang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 40 sa nakalipas na 24 oras.
Mula sa nasabing bilang, 7,652 nito ay mga gumaling na sa sakit at ang 60 naman ay bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot sa virus.
Kaya naman nasa 271 ang nananatiling aktibong kaso sa lungsod.
Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga bagong naitalang kaso ay dahil sa epektibong active case finding ng close contacts ng mga unang naiulat na confirmed cases kamakailan.
Sa pamamagitan aniya nito ay agad na natutukoy ang mga kaso ng COVID-19 at agad isasailalimsa testing at quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod.
Facebook Comments