Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig City, umabot na ng 141

Nakapagtala ang lungsod ng Taguig ngayong araw ng 141 na bagong confirmed cases ng COVID-19.

Batay sa tala ng Heath Department ng lungsod, ang mga bagong pasyente ng COVID-19 ay mula sa Bagumbayan, Central Signal, Fort Bonifacio, Katuparan, Lower Bicutan at Napindan.

Kasama rin sa may bagong kaso ng COVID-19 ang Barangay New Lower Bicutan, Palingon, Pinagsama, South Daang Hari, South Signal, Sta. Ana, Ususan at Western Bicutan.


Dahil dito, umakyat na sa 1,227 ang kabuuang bilang ng confirmed cases sa Taguig City.

Mula sa nasabing bilang, 23 rito ang mga nasawi at 167 naman ang nakarekober na sa sakit na dulot ng virus.

Simula January 27, 2020 hanggang ngayon araw, mayroon nang 3,753 na suspected COVID-19 cases ang lungsod.

Ito na ang ikalawang beses na nagkaroon ng mahigit isang daang bagong kaso ng COVID-19 ang lungsod.

Katunayan, kahapon nasa 112 na mga indibidwal sa Taguig City ang bagong infected ng virus.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng Taguig City Government ay patuloy nilang sinisiguro na mapoprotektahan ang komunidad at mga residente laban sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments