Bilang ng kaso ng COVID-19 sa Taguig City, umabot na ng mahigit 10,000

Sumampa na sa 10,093 ang kabuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig, matapos itong madagdagan ng 41 sa nakalipas na 24 oras.

Ito ay batay sa pinakabagong tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU).

Mula sa nasabing bilang, 9,914 nito ay mga gumaling na naturang sakit, matapos naman makapagtala ng 37 new recoveries kagabi.


Nananatili naman sa 116 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod.

Habang ang 63 ay bilang naman ng active cases na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng Taguig.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, bagama’t nadagdagan ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod, umaasa pa rin sila na magiging zero cases ang lungsod bago matapos ang taong 2020.

Facebook Comments