Pumalo na sa 9,228 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Taguig.
Ito ang pinakabagong tala ng City Epidemiology Disease and Surveillance Unit (CEDSU) kagabi.
Mula sa nasabing bilang, 9,113 dito ay mga gumaling na sa sakit habang ang 84 naman ay mga nasawi na dulot ng virus.
Ang natitirang 31 ay bilang naman ng mga active cases.
Tiniyak naman ni Mayor Lino Cayetano na mas papaigtingin pa nila ang kanila mga hakbang at kampanya kontra COVID-19 upang maging zero case na ang lungsod sa mga susunod na buwan.
Kaya naman payo ng alkalde sa mga residente ng Taguig, mahigpit na sundin ang mga ipinapatupad na mga health protocols laban sa COVID-19 upang maging ligtas laban sa naturang sakit.
Facebook Comments