Umabot na sa 85 ang kabuuang kaso ng Delta variant sa Central Visayas matapos madagdagan ng 26 kahapon.
Ayon sa Department of Health (DOH), 24 sa karagdagang kaso ay lokal na kaso habang 2 ang Returning Overseas Filipinos (ROFs).
Isinagawa ang swab test nitong July 9 hanggang August 9, 2021.
Sa kabuuang kaso… 2 ay nagmula sa Cebu province; 4 sa Bohol; 4 sa Negros Oriental; 13 sa Cebu City at 1 ang nagmula sa Mandaue City.
Pagtitiyak naman ni Dr. Mercedes Canal, head ng Regional Epidemiology and Surveillance unit na nagsasagawa na sila ng cotact tracing upang matukoy ang mga nakasalamuha ng mga nagpositibo.
Facebook Comments