MANILA – Nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na bababa ang bilang ng mga krimen sa bansa oras na maipatupad ang death penalty.Ayon sa pangulo, nais niyang ibalik ang bitay para pagbayaran ng kriminal ang nagawa nitong kasalanan at hindi para pigilan ang mga tao na gumawa ng krimen.Batay sa datos ng Bureau of Corrections noong umiiral pa ang parusang bitay, nasa 187 ang convicted sa heinous crime pero noong nawala ang death penalty ay lumobo ito sa 6200.Kasabay nito, muli namang pinasaringan ng Pangulo si dating Colombian President Cesar Gaviria na may puna sa kaniyang pamamaraan kontra droga.Giit pa ni Duterte, magkaiba ang sitwasyon ng Pilipinas at ng Colombia kung droga ang pag-uusapan.Sinabi pa ng pangulo, bago pa man siya maupo s apwesto ay talamak na sa bansa ang narco politics sabay banggit sa pangalan ni senador leila de lima.
Bilang Ng Krimen Sa Bansa, Bababa Kapag Maibalik Ang Death Penalty Ayon Kay Pangulong Rodrigo Duterte
Facebook Comments