Bilang ng kumpirmadong COVID-19 cases sa bansa, halos 10,500 na; Lalawigan ng Guimaras, nananatiling COVID-19 free

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 120 panibagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, pumalo na sa 10,463 ang COVID-19 cases sa bansa.

11 ang naidagdag sa mga nasawi na umabot na sa 696.


Nadagdagan naman ng 116 ang mga gumagaling sa sakit na nasa 1,734 recoveries na.

Nangunguna pa ding pinakamadaming naitalang COVID-19 cases ang National Capital Region (NCR) na may 84 o 70 percent, sinundan ng region 7 na may 28 o 23 percent habang 8 o 7 percent naman mula sa iba’t ibang parte ng bansa.

Samantala, nananatiling COVID-19 free ang lalawigan ng Guimaras.

Paliwanag ni Guimaras Governor Samuel Gumarin, resulta ito ng maaga nilang pagpapatupad ng mga protocol laban sa COVID-19.

Sabi pa ni Gumarin, January 31 pa lang ay nagpatupad na sila ng travel ban sa mga manggagaling ng National Capital Region.

Facebook Comments