Cauayan City, Isabela- Umabot na sa pitumpu’t lima (75) ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.
Base sa pinakahuling tala ng Cagayan Valley Center for Health and Development, nasa tatlumput dalawa (32) pa ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon dos na kasalukuyang naka-isolate at inoobserbahan sa mga itinalagang ospital para sa mga COVID-19 patients.
Nasa labing siyam (19) ang naka-admit ngayon sa Southern Isabela Medical Center (SIMC) sa Santiago City, labing isa (11) sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) sa Tuguegarao City at dalawa (2) sa R2TMC sa Lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Nananatili namang COVID-19 free ang probinsya ng Batanes at Quirino.
Sa kabuuan, 42 na sa 75 na naitalang COVID-19 positive sa buong rehiyon ang nag-negatibo na sa sakit samantalang ang isa (1) naman ay nasawi.