Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati, umabot na ng 10,000

Umabot na ng 10,001 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati ngayong umaga.

Batay sa tala ng Makati Health Department o MHD, may 21 indibiduwal na bagong nagpositibo sa naturang sakit sa nakalipas na 24 oras.

Nagkaroon din kahapon ng 34 na bagong recoveries sa lungsod, dahilan para tumaas ito sa 9,276.


Nakapagtala rin ang MHD ng isang nasawi kahapon na dulot ng virus, kaya naman mula 371 noong nakalipas na araw, bahagya itong tumaas sa 372.

Habang ang 353 naman ay bilang ng active cases sa lungsod ngayong araw na patuloy nagpapagaling sa mga quarantine facility ng Makati.

Facebook Comments