Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong, pumalo na sa mahigit 7,200

Umakyat na sa 7,225 ang kabuuang bilang ngayon ng COVID-19 sa lungsod ng Mandaluyong matapos madagdagan ito ng 49.

Tumaas din ang bilang ng active cases ng COVID-19 sa lungsod mula 420 noong Sabado, ngayong araw ay nasa 440 na ito.

Ang Barangay Hulo pa rin ang may pinakamaraming active cases ng COVID-19 sa lahat ng barangay sa Mandaluyong, kung saan meron ito 58 na aktibong kaso ng nasabing sakit.


Isang pasyente rin ng nasabing sakit ang pumanaw kahapon, dahilan para umakyat sa 211 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa lungsod na dulot ng virus.

Habang ang 6,574 naman ay kabuuang bilang sa lungsod na mga gumaling mula sa nasabing sakit.

Facebook Comments