Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Makati, nasa mahigit 10,100 na

21

Umabot na ng 10,174 ang kabuoang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Makati matapos itong madagdagan ng 16 sa nakalipas na 24 oras.

Mula sa nasabing bilang, 9,550 nito ay mga gumaling na sa naturang sakit at 378 ang mga nasawi.


Habang ang 246 naman ay bilang ng active cases sa lungsod.

Kaya naman muling nagpaalala si Mayor Abby Binay sa lahat ng Makatizens na mananatili sa tahanan at iwasan ang paglabas kung hindi kinakailangan upang maging ligtas.

Facebook Comments