Muling tumaas ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasig, mula sa 9,487 noong isang araw, pero ngayong umaga umabot na ito ng 9,542.
Batay sa tala ng City Health Office ng Pasig, nasa 55 ang naidagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod sa nakalipas na 24 oras.
Pero nagkaroon naman ng 36 na mga indibidwal na tinamaan ng virus na gumaling na sa naturang sakit.
Dahilan para tumaas sa 8,916 ang bilang ng recoveries sa lungsod.
Nadagdagan naman ng isa ang bilang na mga nasawi na dulot ng virus, kaya naman nasa 381 na ito ngayong umaga.
Tumaas din ng 18 ang active cases sa lungsod, mula 227 noong nakaraang araw, pero ngayong umaga nasa 245 na ang buong bilang nito.
Ang Barangay Pinagbuhatan ang may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa lahat ng barangay sa Pasig, kung saan nasa 1,307 na ito at ang Barangay Bagong Katipunan ang may pinakakaunting bilang kung saan nasa anim lang ito.