Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, halos 26,000 na!

Pumalo na sa 25,930 ang kumpirmadong COVID-19 sa bansa.

Batay sa tala ng Department of Health (DOH), ito ay matapos maitala ngayong araw ang 539 na panibagong kaso.

366 dito ay mga fresh cases habang 173 naman ang late cases.


Naitala rin ng DOH ang 248 recoveries na umabot na sa 5,954.

14 naman ang nadagdag sa mga nasawi na sumampa na sa 1,088.

Samantala, sumampa na sa 5,541 ang bilang ng mga Pilipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19 matapos na makapagtala ng 22 panibagong kaso.

Nasa 2,491 naman ang naka-recover na matapos madagdagan ng anim habang siyam ang nadagdag sa bilang ng nasawi na ngayon ay nasa 409 na.

Patuloy namang nagpapagaling sa mga ospital ang 2,641 COVID-19 patients.

Facebook Comments