Bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, higit 82,000 na!

Umabot na sa 82,040 ang kaso ng COVID-19 sa bansa matapos madagdagan ng 1,657 ngayong araw.

Sa pinakahuling tala na inilabas ng Department of Health, pinakamarami sa bagong kaso ay nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 1,017, sinundan ng Laguna na may 89 bagong kaso, Cavite na may 38 at Cebu at Rizal na may 31.

53,649 dito ang aktibong kaso, kung saan 90.0 percent ang mild, 9.1 percent ang asymptomatic, 0.5 percent ang severe at 0.4 percent ang critical.


Nadagdagan naman ng 359 ang bilang ng gumaling na ngayon ay aabot na sa 26,446.

Habang 1,945 na ang nasawi matapos madagdagan ng 16.

Samantala, nadagdagan pa ng 29 ang panibagong kaso ng COVID-19 sa mga Pilipino sa abroad ngayong araw.

Sa kabuuan, 9,304 na ang mga Pilipinong tinamaan ng virus sa ibang bansa habang nananatili sa 653 ang nasawi.

Umabot na rin sa 5,420 ang nakarekober sa sakit habang 3,231 pa ang nagpapagaling.

Facebook Comments