Bilang ng lugar sa NCR at CAR na nasa ilalim ng granular lockdown, bahagyang tumaas – DILG

Photo Courtesy: PTV

Muling tumaas ang bilang ng mga lugar sa bansa na isasailalim sa granular lockdown dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, umakyat na sa 16 ang mga lugar na isinailalim sa granular lockdown mula sa 11 noong nakaraang linggo.

 

Pinakamarami rito ay ang National Capital Region (NCR) na may 11 at sinundan naman ito ng Cordillera Administrative Region (CAR) na may 5.


Samantala, bumaba naman sa 32, 165 ang naitalang hindi nagsusuot ng facemask habang 6,935 naman ang mga lumabag sa physical distancing at 43 ang mga lumabag sa mass gatherings sa mga lugar na nasa Alert Level 2.

Facebook Comments