Umabot na sa 27 indibidwal ang lumabag sa ipinatutupad na Election Gun ban Simula nang ipatupad ito ng Commission on Elections noong Enero 12.
Nasa 24 na baril naman ang nakumpiska ng awtoridad.
Sa nasabing bilang , pito ang lumabag sa Ilocos Sur, apat sa La Union, at pinakamarami ay sa mula sa Pangasinan na nasa 13.
Ayon sa Police Regional Office 1, patuloy ang mas pinahigpit na pagpapatupad sa gun ban bilang pagtitiyak sa ligtas at maayos na halalan sa darating na Mayo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments









