Pumalo na sa 40 indibidwal ang naaresto ng Pangasinan Police Provincial Office (PPO) mula Enero 12 hanggang Abril 3 dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban kaugnay sa nalalapit na halalan.
Ayon kay Pangasinan PPO Police Director PCol Rollyfer Capoquian, karamihan sa mga naaresto ay nangyari sa mahigit 20 police response at patrol operations, 12 anti-illegal drugs operations, tatlong checkpoints, at isang gun buy-bust operation.
Sa mga operasyon, nakumpiska ng mga awtoridad ang 33 maliliit na baril, isang replica ng baril, dalawang airguns, at 138 bala.
Pinaalalahanan din ni Capoquian ang publiko na ang election gun ban ay hindi lamang para sa mga tunay na baril kundi pati na rin sa mga replica at air guns.
Sa ngayon, nanatili umanong generally peaceful ang buong lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨









