Bilang ng magtutungo sa Manila North Cemetery, posibleng bumaba

Posibleng mas mababa ang bilang ng mga dalaw sa Manila North Cemetery ngayong Undas 2023.

Ito ay ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benhur Abalos dahil sa nakalipas na dalawang araw, nasa 60,000 pa lamang ang bumibisita sa Manila North Cemetery.

Taliwas ito bago ang pandemya na umabot na sa 200,000 ang dalaw noong October 30 at 31, 2019.


Isa sa nakikitang dahilan ni Abalos ay ang pag-uwi ng marami sa mga lalawigan para bumoto sa Barangay ay Sangguniang Kabataan Elections.

Sa pagtaya naman ng Manila LGU, aabot 1.2 milyon ang inaasahang dadalaw sa Manila North Cemetery bukas kaya’t all set na ang kanilang paghahanda.

Kaugnay nito, sinuyod ng mga tauhan ng Manila City Dog Pound ang sementeryo kung saan nasa 31 asong gala ang kanilang hinuli.

Ang nasabing hakbang ay upang maiwasan na magkalat ang mga ito at makapanakit pa ng mga dadalaw sa sementeryo.

Facebook Comments