Bilang ng mahihirap na Pilipino, bumaba sa first semester ng 2023 – PSA

Dalawa sa bawat 10 Pilipino ang mahirap sa first semester ng 2023.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 22.4% ang poverty incidence sa bansa mula Enero hanggang Hunyo, mas mababa sa 23.7% na naitala sa kaparehong panahon noong 2021.

Ayon kay PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba ang bilang ng mahihirap dahil sa pagtaas ng sahod.


Mula 2021 hanggang 2023, bumaba ang antas ng kahirapan sa 15 mula sa 17 rehiyon sa bansa kabilang ang National Capital Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, SOCCSKSARGEN at Caraga.

Naitala naman ang pinakamataas na poverty incidence sa BARMM.

Samantala, nakapagtala rin ang psa ng 8.7% na subsistence incidence na tumutukoy sa bilang ng mga Pilipinong hindi makabili ng kanilang basic food needs, mas mababa rin kumapara sa 9.9% sa kaparehong panahon noong 2021.

Facebook Comments