MANILA – Nabawasan ang bilang ng mga Pilipinong naghihirap sa Pilipinas ayon sa huling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).Base sa nakuhang datos ng PSA, bumaba sa 21.6 percent ang mga naghihirap na Pilipino noong 2015 na hindi hamak na mas kaunti kumpara sa 26.3 percent na naitala noong 2009.Ayon kay Lisa Grace Bersales, national statistician ng PSA — nalampasan ng bilang na ito ang target na itinakda ng pamahalaan na para sa taong 2015.Aniya, resulta ito ng pagpapatupad sa mga Anti-Poverty Program ng gobyerno partikular ang 4P’s o Pantawid Pamilya Program.Tiwala naman ang PSA na magtutuloy-tuloy ang pagbaba ng poverty rate ng bansa sa ilalim ng Duterte administration lalo’t dinagdagan nito ng rice assistance ang mga benepisyaryo ng 4P’s.
Bilang Ng Mahihirap Na Pilipino, Nabawasan Ayon Sa Philippine Statistics Authority
Facebook Comments