Bilang ng mananakay ng EDSA Busway, umabot na sa mahigit 66.6 milyon nitong 2025

Pumalo sa mahigit 66.6 milyon ang bilang ng mga pasahero na gumamit ng EDSA Busway ang naitala ng Department of Transportation (DOTr) noong 2025.

Mas mataas ito ng mahigit tatlong milyong kumpara sa 63.02 milyon na pasahero noong 2024.

Naitala rin ng Transportation Department ang pinakamataas na buwanang ridership noong December 2025 na may higit 6.5 milyong pasahero.

Habang ang pinakamataas naman na bilang ng pasahero sa isang araw ay naitala naman sa buwan ng Abril, nakaraang taon kung saan umabot ito sa 321,000.

Mula nang ilunsad ng 2020 ay nasa mahigit 341 milyong pasahero na ang nakagamit ng EDSA Busway.

Kaugnay nito, ayon naman kay Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na kabilang sa kanilang plano ang modernisasyon ng Kamuning Busway Station at pagpapatayo ng tatlo pang bagong istasyon ngayong taon.

Facebook Comments