Bilang ng mananakay ng MRT-3 train, bumaba; Bus augmentation passengers, tumaas ayon sa DOTr

Kinumpirma ng pamunuan ng Department of Transportation (DOTr) na bumaba ang tumangkilik ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon, July 14, 2020.

Batay sa kanilang datos, bago ang anim na araw na suspension ng MTR-3 operation, nasa 45,048 ang average na bilang na sumasakay nito bawat araw.

Subalit, sa pagbalik operasyon nito kahapon bumaba ito sa 40,008.


Habang ang bus augmentation ridership kapon ay umabot ng 9,984 passengers.

Pero mula noong June 3, 2020 hanggang July 6, 2020 ay nasa 5,675 passengers lang ang daily ridership average nito.

Gayunpaman, tiniyak ni Transportation Secretary Arthur Tugade safe pa rin sumakay ng MRT-3 trains at bus augmentation nito.

Matatandaan, mula Hulyo 7, 2020 hanggang Hulyo 12, 2020, sinuspende ang opersayon ng MRT-3 matapos magpositibo ang 281 na mga empleyado nito sa Coronavirus Diseases 2019 (COVID-19).

Facebook Comments