Bilang ng manggagawa na edad 65 pataas nitong Hunyo, tumaas sa 38.2% ayon sa PSA

Tumaas sa 38.2% ang bilang ng mga manggagawang Pilipino na edad 65 pataas nitong buwan ng Hunyo.

Batay sa pinakahuling labor force survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito sa naitalang 34.9% noong Mayo.

Dahil dito, aabot na sa 2,538,000 ang mga manggagawang edad 65 pataas sa bansa noong Hunyo, mas mataas kumpara sa 2,304,000 na naitala noong Mayo.


Ayon kay PSA National Statistician at Undersecretary Claire Dennis Mapa, patuloy pa ring nagtatrabaho ang naturang age group upang punan ang mga gastusin sa bahay ngayong tumataas ang presyo ng mga bilihin.

Samantala, sinabi naman ng National Economic and Development Authority (NEDA) na marami pa ring matatandang Pilipino ang may kakayahan pa ring magtrabaho na lagpas sa itinakdang 65 years old mandatory retirement age ng Labor Code.

Facebook Comments