Manila, Philippines – Gumaganda na ang posisyon ng mga sundalo sa bakbakan sa Marawi City.
Ayon kay Joint Task Force Marawi Spokesman Lt. Col. Jo-Ar Herrera, humigit-kumulang 70 miyembro na lang ng Maute group ang tinutugis ng mga sundalo.
Samantala kahapon, may natagpuan na namang mga buto ng anim na sibilyan sa war zone.
Sa kabuuan, umakyat na sa 45 ang mga nakukuhang bangkay na pinaniniwalaang nabiktima ng mga terorista.
Problemado naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagkilala sa mga narerekober nilang bangkay.
Kaya panawagan ni Marawi Crisis Management Committee Head Zia Alonto Adiong – lumutang ang mga may nawawalang kamag-anak at magbigay ng DNA samples sa PNP para maitugma sa mga nakukuhang bangkay.
Facebook Comments