Bilang ng may COVID-19 sa Batanes, Patuloy na Bumababa

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 78 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Batanes.

Sa pinakahuling datos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ngayong Martes, Oktubre 26, 2021, mula sa dating 84 active cases kahapon, ay nasa 78 na lamang ngayong araw.

Tatlo (3) ang naitalang panibagong positibong kaso habang siyam (9) sa mga pasyente ang bagong gumaling.


Mula sa kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Batanes, ang isa (1) ay naitala sa Itbayat; animnapu (60) sa Basco; apat (4) sa Mahatao; lima (5) sa Ivana; at walo (8) sa bayan ng Sabtang.

Nasa 73 naman ang may mild cases; dalawang (2) moderate; isang (1) severe at dalawang (2) critical.

Facebook Comments