Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 991 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw ng Lunes, Nobyembre 15, 2021, nakapagtala ang probinsya ng 38 na panibagong kaso na nagdadala sa 991 na total active cases.
Mayroon namang 74 na naitalang bagong gumaling mula sa nasabing sakit kaya’t umakyat naman sa 57,400 ang total recoveries ng probinsya.
Umabot naman sa 2,000 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa COVID-19 matapos itong madagdagan ng apat (4).
Sa ngayon, nasa 60,391 na ang total confirmed cases ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Facebook Comments