Batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, Enero 7, 2022, pumalo sa 265 ang aktibong kaso ng Lalawigan na halos nag-triple sa bilis ng pagdami ng COVID-19 cases mula sa dating bilang na 85 nitong ika-lima ng Enero.
Ito ay matapos madagdagan ng 65 na bagong tinamaan ng COVID-19 ang datos ng Isabela.
Mayroon namang tatlo (3) na naitalang bagong gumaling at isang namatay sa nasabing sakit.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 60,945 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya kung saan 58,598 rito ang nakarekober habang 2,082 naman ang nasawi.
Samantala, mula sa 34 bayan at tatlong (3) Lungsod sa Isabela, lima (5) na lamang ang COVID-19 free tulad ng mga bayan ng Benito Soliven, Dinapigue, Divilacan, Luna at San Guillermo.