Bilang ng may COVID-19 sa Isabela, Tumaas sa 1,250

Cauayan City, Isabela- Pumalo sa 1,250 ang bilang ng may COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa datos na ipinalabas ng Isabela Provincial Information Office mula sa Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) as of 6:00am ngayong araw ng Lunes, August 16, 2021, nakapagtala ang probinsya ng 127 na panibagong positibong kaso; 41 na bagong gumaling at anim (6) na karagdagang bilang ng mga nasawing pasyente.

Umaabot naman sa 30, 197 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsya na kung saan 28,025 rito ang gumaling habang pumapalo naman sa 922 ang naitalang COVID-19 related deaths.


Nangunguna pa rin ang Lungsod ng Cauayan sa Isabela sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso na umaabot sa 182 na sinusundan ng bayan ng Tumauini na may bilang na 131.

Facebook Comments