Cauayan City, Isabela- Bahagyang tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa buong Lambak ng Cagayan.
Base sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of January 3, 2022, tumaas sa 127 ang kabuuang aktibong kaso sa rehiyon mula sa dating bilang na 120 as of January 2.
Mula sa 127 active cases sa Lambak ng Cagayan, 84 covid-19 patients ang mula sa Cagayan; 33 sa Isabela; dalawa (2) sa Nueva Vizcaya; isa (1) sa Quirino at pito (7) sa Santiago City.
Tanging ang probinsya naman ng Batanes ang COVID-19 free sa buong rehiyon dos.
Samantala, mula sa mga bayan at Lungsod sa rehiyon, pinakamarami ang aktibong kaso ng Tuguegarao City na mayroong 27.
Facebook Comments