Pumalo na sa higit 372,000 na mga Pilipino ang may sakit na tuberculosis (TB) batay sa datos ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa, mataas pa rin ang kaso kahit pa mayroong mahigit 3,600 na treatment facilities at TB laboratories sa bansa.
Dagdag pa ng kalihim, pahirapan ang paggamot ng TB sa bansa at marami rin ang hindi nagdedeklara ng sakit.
Kadalasan din aniyang hindi tuloy-tuloy at hindi nasusunod ang gamutan ng mga tinamaan ng tuberculosis.
Bagaman mayroong sapat na gamot ang DOH para dito, nakita ng kalihim na mayroong problema sa logistics o supply chain management.
Dahil dito, plano ng DOH na i-computerize ang logistics supply sa mga TB DOTS Center na itinalagang pasilidad ng kagawaran para sa malawakang pagtugon sa tuberculosis.