Umabot sa 540 medical frontliners ang panibagong tinamaan ng COVID-19.
Batay sa daily report ng Department of Health, pumalo na ngayon sa 6,006 total cases ng mga medical health workers na tinamaan ng nasabing virus.
5,066 rito ay gumaling na habang nananatili sa 39 ang bilang ng mga nasawi.
Nasa 901 naman ang naitalang active cases na nananatili sa mga quarantine treatment facilities.
Pinakamaraming natamaan ng COVID-19 ay ang mga nurse na may 2,066, sinundan ng mga doktor na sa 1,293, nursing assistants na nasa 418, medical technologists na nasa 259, at radiologic technologists na nasa 130 cases.
Mahigit 500 non-medical personnel tulad ng utility workers, security guards, at administrative staff ang hindi rin nakaligtas sa virus.
Facebook Comments